TIME BOUND:

Wishes from the Ground

(Mga Kahilingang Iginuhit sa Lupa)

Jayme Emille Lucas

Maaaring dilema ang isa sa mga dahilan ng mga kwestyong namuo sa akin kasabay ng pandemya.

Kung makakapagpatuloy pa ba sa mga inaasam na pangarap.

Kung may kasagutan pa ba sa lahat ng naipong mga palaisipan.

Kung ang mga pangamba ay patuloy na hihigitan ang dating mayabong na pag-asa.

Maaaring hindi.

Maaari din malaman natin kung makakarating tayo sa dulo ng paghihintay.

Gayunpaman, maaari kong ituring na isang mabuting basehan ang mga ito sa pagbuo ng bawat piyesa. Nabuo sila sa panahon ng malalim na repleksyon sa paligid – sa pamilya, kaibigan, mga pangyayari’t maging sa sarili.

Lunggati (study) / 11”x13” (framed) / Graphite, pen and ink on paper

Nairaos ko ang tesis ko noon para sa aking Master’s degree sa unang tatlong buwan ng lockdown. Naghangad ako ng mahihingahan ng bigat ng loob at pagod mula sa tatlong taon na pag-aaral bagaman alam kong imposible. Nagsimulang mapuno ng problema ang aming bahay sa kabila ng aming muling pagsasama-sama. Marahil dulot ng nakatikom na hinaing tungkol sa mga naudlot na pangarap at lunod sa pangamba. Parang hikahos ang aming mga mata sa pare-parehong mukha, pader, at pagkain mula umaga hanggang gabi.

 
Process 6.png
 

Sa kabila nito ay kailangang pahintulutan ang kalooban na piliin ang pagdalaw sa mga masasayang alaala, musika at pagguhit sa kapirasong papel na nagsilbing gamot sa pagkayamot at pangungulila sa pangangarap. Noon ko rin natapos basahin ang nobelang “Sonata” ni Lualhati Bautista. Patungkol sa mga kahilingan tungkol sa paglayo, sa sariling tadhana at sa pag ibig sa pamilya. Tulad sa nobela, nagdesisyon akong lumayo baun-baon ang mga payo nila.

 
 
Litrato pagkatapos ng unos

Litrato pagkatapos ng unos

 

Dumating ang bagyo. Bumuhos din sa akin ang pangamba para sa pamilya habang ako’y wala sa mismong tahanan hanggang sa ako’y hatakin pauwi ng aking pag-aalala.

Iipunin lahat ng bagay na may mahika at liwanag
sa kabila ng makulimlim na langit
at lahat ng natatamong mga sugat ng pamilya
mula sa mga pagsuong sa panahong ito…

Inipong mga “magic wands” na kahoy mula sa mga natumbang puno dulot ng bagyo

Process 9.png
Process 10-1.jpg
Mahiwagang Patpat (Study) / 15”x12.5” (framed) / Cut out print and oil on paper

Mahiwagang Patpat (Study) / 15”x12.5” (framed) / Cut out print and oil on paper

Pinulot isa-isa ng batang babae ang mga ito
sa paniniwalang ang mahika ay nililikha ng tao.

Pagka’t ang anumang nasira ay maaari pang buuin ng pag-asa at paniniwala.

Mahiwagang Patpat / 20”x15” / Oil on Canvas

Mahiwagang Patpat / 20”x15” / Oil on Canvas

Process 11.jpg
 
Pundasyon (Study) / 15”x12.5” (framed) / Cut out print and oil on paper

Pundasyon (Study) / 15”x12.5” (framed) / Cut out print and oil on paper

Gamit ang mga pirasong sanga
ay itatayo nating muli ang mga pangarap
para sa ating tahanan.
Hindi na tayo mangangamba pa
sa anong lakas ng hangin
o anong lungkot ng lamig
na dadalhin ng mga bagyong darating.
Mayroong tali na nagbibigkis sa atin – iyon ang pag-ibig.

Pundasyon / 20”x15” / Oil on Canvas

Pundasyon / 20”x15” / Oil on Canvas

 

Bumuo ako ng isang simpleng bahay-bahayan na repleksyon ng pangarap ng tahanang, sa kabila ng bakas ng pangamba ay may puting tali na mahigpit na hahawakan ang mga simpleng pangarap ng pamilya.

Process 1.jpg
 
Hakbangin (Study) / 15”x12.5” (framed) / Cut out print and oil on paper

Hakbangin (Study) / 15”x12.5” (framed) / Cut out print and oil on paper

Ang mga hagdan na ating binuo,
maluma man ng panahon o maglaho man sa tanda,
ito’y mga alaala ng ating pagtaya sa tadhana
Mga pagkapanalo at pagluha
Sa pagkuha ng mga bituin
Na maaaring ngayon ay hanggang tanaw muna
Saka nalang tayo umakyat
Saka nalang muna tayo mangarap

Hakbangin / 20”x15” / Oil on Canvas

 

Tulad sa nobelang “Sonata”, ang hagdan na naisalarawan ay tungkol sa pag-abot sa pangarap. Ngunit sa ngayon, mas mahalaga ang mabuhay – ang mairaos ang isang araw na kumpleto ang pamilya. Pagka’t ang pagkabuo ng pamilya ay isa ring tagumpay na pinapangarap. Ipunin muna natin ang ating mga hagdan, maaakyat at makukuha din natin ang makinang na mga bituin.

Iguguhit ang imahinasyon
Maniniwalang ang lahat ng linya
Ay may buhay, may kaluluwa

Lunggati / 36” x 44” / Oil on Canvas

Lunggati / 36” x 44” / Oil on Canvas

 

Parang noong kabataan ko lamang ay mas buhay ang imahinasyong gumuhit sa lupa. Ngayon natin ipakilala ulit sa tadhana na ang mga iginuhit ng batang babae ay ang siyang mga pangarap na natupad nya. Hindi nya binigo ang tadhana. Pagka’t kahit ilang unos pa ng problema ang dumaan sa palad ng lupa ay hindi nito matatabunan ang mga itinanim nating bakas ng alaala upang tayo’y makauwing muli.

Balik-tanaw / 20” x 15” / Oil on Canvas

Balik-tanaw / 20” x 15” / Oil on Canvas

 

Minsan ang pinakasimpleng paraan at siyang epektibo upang mapanatiling nakatayo ang tinuturing na tahanan ay ang pag-uwi sa kahit anumang panahon. Piliin sana nating laging uwian ang mga alaala na naitayo sa tahanan.

 
Sariling dibuho kinuha nuong 2018

Sariling dibuho kinuha nuong 2018

Jayme Lucas (b.1996) grew up in Tarlac City, Tarlac, within the Luisita area where she became exposed to its socio-political history. She graduated with a Bachelor of Fine Arts major in Advertising at Tarlac State University and earned her Masters Degree from the University of Santo Tomas Graduate School last 2020. In 2019, she received the grand award in the oil/acrylic category from Metrobank Art and Design Excellence competition.

Lucas' works mostly depict narratives of Filipino stuggles, social commentary, political issues and her personal stories. Her experiments on melancholic mood, social realism, surrealism and subtractive techniques on oil-textured ground are what mainly shape the form and substance of most of her works.